July 25, 2012

Bumbay Ng Aking Buhay


ang bumbay ng aking buhay
simple lang at di kikay
makapal ang kanyang kilay
mga mata nya ay mapungay
sa ganda nya tulo aking laway
hinding hindi nakakaumay

buhay ko ay nagkakulay
nang minsan sya ay kumaway
sa kotse ko sya'y sumakay
akala ko sya ay sasabay
kahit sana hanggang tulay
ngunit bigla na lang nag bye bye

bumitaw sya sa aking kamay
hindi daw sya mapalagay
gusto daw nya ay hiwalay
di man lang naghinayhinay
kahit minsan ako'y pasaway
pagibig ko naman ay tunay

ngayon ako'y naglulupasay
buhay nawalan ng saysay
nanlalata parang gulay
at parang lumang tinapay
walang palamang kalamay
nagiisa't walang kadamay

nasan ka na aking bumbay?
sana di na lang nasanay
na ikaw ang aking gabay
ako ngayon ay naghihintay
nagiisip, nakahandusay
di na ata makakasilay